Mandatory ROTC sa kolehiyo target ni VP Sara

Mandatory ROTC sa kolehiyo target ni VP Sara

September 29, 2022 @ 1:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isa sa tututukan ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang pagbabalik ng mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa mga kolehiyo.

Ayon kay Duterte, sinabi nito ngayong Huwebes, Setyembre 29 sa isang panayam na nagkaroon na ng inisyal na pagpupulong kaugnay dito kasama ang Commission on Higher Education (CHED), ilang mambabatas at mga senador.

“During our discussion, it was clear sa lahat na mas maganda kung ibalik ang ROTC sa higher education since noon nasa higher education na talaga siya,” aniya.

Maliban sa mandatory ROTC, bibigyan prayoridad din ni Duterte ang disiplina at pagmamahal sa bansa na maging bahagi ng curriculum sa basic education.

Sa K to 12 curriculum, ang basic education ay nakasasakop mula Kinder, Elementarya, Junior High School at Senior High School.

Kinumpirma naman n iCHED Chairperson Popoy De Vera na nagkaroon na nga ng pag-uusap kasama ang DepEd at mga miyembro ng Senado at Kamara para sa panukalang mandatory implementation ng ROTC. RNT/JGC