Mandatory scouting mas ok kaysa mandatory ROTC-solon

Mandatory scouting mas ok kaysa mandatory ROTC-solon

October 21, 2022 @ 8:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinutulak ng Kabataan Partylist solon ang mandatory scouting kaysa buhayin ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.

“Mandatory scouting is clearer in its mandate to impart on the youth the necessary skills that they can actually use in real life situations and in volunteer efforts during disasters,” ani Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel.

“Also, scouting is headed by institutions that do not resort to red-tagging and threats to individuals and organizations,” dagdag pa ni Manuel.

Sinabi pa ni Manuel na hindi kailangan ng scouting ang presensya ng mga tauhan ng militar sa mga paaralan.

Matatandaan na sa kanyang unang State of the Nation Address, itinulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na gawing mandatoryo ang programa ng ROTC sa antas ng senior high school.

Naging opsyonal lamang ang ROTC sa kolehiyo pagkatapos na maisabatas ang National Service Training Program Act of 2001 noong 2002. RNT