Mandatory SIM registration bill, nakapasa ulit sa Senado

Mandatory SIM registration bill, nakapasa ulit sa Senado

September 28, 2022 @ 7:11 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling nakapasa sa Senado ang panukalang mandatory registration ng subscriber identity module upang tuluyan nang masugpo ang krimen gamit ang mobile phone sa bansa na pawang inisponsor at inawtor ni Senador Grace Poe.

Base sa naganap na plenaryo, umabot sa 20 mambabatas ang pumabor sa Senate bill No. 1310 o ang “SIM Registration Act” at walang negatibong boto at abstention dito.

Napag-alaman na kauna-unahang ang naturang panukala na naipasa ng Mataas na Kapulungan sa 19th Congress na inisponsor ni Poe bilang chairman ng Senate Committee on Public Services.

Inihain muli ni Poe ang naturang panukala upang mapamahalaan ang rehistrasyon at paggamit ng SIMs na inaatasan ang lahat ng subscriber na magparehistro sa telecom companies ang ginagamit ng SIM card bago activation. Kailangan magparehistro ang kasalukuyang gumagamit ng SIM card o putulin ang gamit nito.

Kabilang sa reghistrasyon ang pagsusumite ng buong pangalan, date of birth at address ng end-user kabilanga ng valid government-issued identification cards upang ma-verify ang kanilang pagkakakilanlan.

Ipinagbabawal ng SB 1310 ang “spoofing” ang pagsusumite ng nakakalito o hindi tamang impormasyon hinggil sa pinanggalingan ng phone call o text messages upang manloko, manakit at maling pagkuha ng anumang may halaga.

Pinaparusahan din ang pagbebenta ng nakaw ng SIM cards.

Inaatasan naman ng panukala ang Telcos na itago ang impormasyon ng subscriber sa database habang kailangan magsagawa naman ng annual audit ang Department of Information and Communications Technology kung tumutupad ang mga kompanya sa information security standards.

“All submitted information are “absolutely confidential”, but may be disclosed if a competent authority subpoenas them for an investigation of a crime, or a malicious, fraudulent or unlawful act committed using a specific mobile number,” ayon sa panukala.

“Finally, we can now do something aside from just ignoring, deleting or blocking the numbers with fraudulent or spam messages,” paliwanag naman ni Poe.

“We have now in our hands the means to unmask criminals who have been hiding for so long under the protection of anonymity, and to bring them to justice,” dagdag ni Poe. Ernie Reyes