Mandatory timer sa mga traffic light isinusulong

Mandatory timer sa mga traffic light isinusulong

February 15, 2023 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang panukala ang inihain sa Senado na naglalayong magbigay mandato sa paglalagay ng timer sa lahat ng mga traffic lights sa urban areas upang masiguro ang road safety at mabawasan ang traffic congestion.

Sa Senate Bill No. 1873 na inihain ngayong linggo, ipinaliwanag ni Senador Raffy Tulfo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng traffic light timer para sa mas maayos na regulasyon ng trapiko o mga sasakyan, maging ang mga pedestrian.

“Traffic light timers help reduce the risk of accidents at intersections by controlling the flow of vehicles and pedestrians and giving them a clear signal when it is safe to proceed. Traffic light timers can also be used to control pedestrian crossings, ensuring that pedestrians have enough time to cross the road safely and reducing the risk of accidents,” sinabi ni Tulfo sa resolusyon.

“Overall, traffic light timers play a crucial role in improving safety, reducing congestion and delays, and making our roads and intersections more efficient and sustainable. The passage of this measure is thus earnestly sought,” dagdag niya.

Kung maisasabatas, aatasan ang Department of Transportation na maglagay ng timer sa lahat ng traffic lights sa mga lungsod sa loob ng dalawang taon mula nang maipatupad ang batas.

“The timers shall be designed to display the time remaining until the traffic light changes, and shall be clearly visible to drivers and pedestrians,” ayon pa sa resolusyon.

Layon din ng panukala na pagmultahin ng hanggang P100,000 ang sinumang tao, entity o local government unit na papalyang matugunan ang hinihiling ng batas. RNT/JGC