Mandatory toothbrush drills sa iskul, ikakasa ng DepEd

Mandatory toothbrush drills sa iskul, ikakasa ng DepEd

December 2, 2022 @ 10:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang mandatory toothbrush drills para sa school year 2024-2025.

Binigyang diin ni Vice President Sara Duterte, kasalukuyang Education secretary, ang kahalagahan ng dental health at pagpapakalat ng kamalayan sa mga mag-aaral.

“We target to roll it out sa field, 2024 or 2025, pero hinahabol namin ‘yung school year 2024-2025 na masali ‘yan, parang mandatory toothbrush drill instead of mandatory officers’ Reserved Officers Training [Corps] (ROTC), dito kasi kami sa basic education,” ayon kay Duterte.

Ang panukala aniya niyang ito ay bahagi ng holistic program, na naglalayong hulmahin ang karakter at well-being ng mga kabataan.

“Isa ‘yan sa gusto naming i-implement, mayroon kaming kini-create na program ngayon na we intend to run corollary doon sa pagpapatakbo ng ROTC sa higher education. Sinasabi namin sa kanila, ituturo namin dito life skills, service, values, dito sa basic education, kasama ‘yung good hygiene, kasama ‘yung toothbrush drills ,” wika ni Duterte.

Ani Duterte, ang dental health ay mahalaga dahil na rin sa panganib na maaaring maibigay nito sa mga kabataan at mga matatanda sakali’t napabayaan.

Aniya, ang dental protection ay kanyang personal advocacy, ito aniya ang natutunan niya sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“The one person that is very particular to teeth is, I don’t know if the world knows this, is President Duterte. Kaya siguro subconsciously, nakuha ko rin ‘yun kay PRD [President Rodrigo Duterte], plus ‘yung exposure ko sa trabaho ko as mayor, na nakakausap ko ‘yung mga dentista, and they always advocate na preventable naman ‘yan,” dagdag na pahayag nito.

Partikular na tinukoy naman ni Duterte ang preventable dental issues gaya ng tooth decay, infection, at iba pang consequences na dala ng “lack of awareness” sa tamang paglilinis.

“If we just guide our young ones, because they are very malleable… Kasi para lahat ng bata, maganda ang smile,” anito.

Samantala, bahagi naman ng dental drills proposed program ay ang pamamahagi ng dental kits na mayroong instructional materials para sa tamang dental cleaning, may kasamang information campaigns ukol sa nasabing usapin.

Sa kasalukuyan, ang kampanya ng pagbaBAGo ni Duterte ay kinabibilangan ng pamamahagi ng toothbrush na may kasamang toothbrush guides, itinuturing na isa ito sa kanyang classic programs sa panahon ng kanyang liderato bilang Alkalde ng Davao City. Kris Jose