Mandatory vaccination balak ng IATF

Mandatory vaccination balak ng IATF

January 3, 2022 @ 1:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Interior Secretary Eduardo Año na balak ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na magpatupad ng mandatory vaccination against COVID-19.

Sa panayam ng Dobol B TV, sinabi ni Año na wala pang batas ang susuporta sa naturang mandato ngunit may kapangyarihan ang local government units (LGUs) na magpatupad ng naturang hakbang.

“Gusto sana natin talagang gawing mandatory ito pero nga wala tayong batas except ‘yung mga local government units, may kapangyarihan sila diyan.”

Samantala, pinag-uusapan din aniya ng IATF ang pagkakaroon ng mas murang COVID-19 tests.

“Pinag-uusapan ‘yan sa IATF pati rin ‘yung viability na magbigay din ng mga antigen test kit.” RNT/FGDC