Mandatoryong pag-uulat ng nasawi sa mga preso inilatag ni Gordon  

Mandatoryong pag-uulat ng nasawi sa mga preso inilatag ni Gordon  

December 9, 2021 @ 12:24 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Sinusulong ni Senator Richard Gordon ang pagpasa ng mandato na magbigay ng tamang bilang ng nasawi at may sakit sa persons deprived of liberty (PDLs) at detained children in conflict with the law (CICL).

Sa ulat, inilatag ni Gordon ang Senate Bill No. 1771 o ang proposed “Death in Custody Reporting” bill kasunod ng pagpanaw ni Jonel Nuezca, high-profile inmate noong nakaraang linggo.

“The late reporting of these deaths, suspicious circumstances surrounding the deaths and the identity of these high-profile inmates shocked the nation and questions regarding the truthfulness and veracity of these reports regarding the circumstances of the deaths of the inmates have been questioned,” dagdag pa ni Gordon.

“The Filipino people have the right to know what really happened with these inmates. The people felt cheated. Justice was cheated. We cannot let this happen again.”

Layunin ng panukala ang buwan-buwang paghahain ng report sa PDLs o CICLs who na nahatulan ng reclusion perpetua ng Departments of Justice (DOJ), Interior and Local Government (DILG), Social Welfare and Development (DSWD), Supreme Court; at Commission on Human Rights (CHR).

Hinihiling din dito ang awtomatikong motu propio investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa misteryosong pagkamatay ng mga nakapiit. RNT/FGDC