Mandaue City posibleng isailalim sa state of calamity sa baha

Mandaue City posibleng isailalim sa state of calamity sa baha

September 11, 2022 @ 10:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inirekomenda ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes na ilagay ang lugar sa ilalim ng state of calamity kasunod ng pagbaha matapos ang malakas na pag-ulan nitong Huwebes.

Sa social media post, sinabi ni Cortes na tinalakay nila ang panukala sa isang emergency meeting kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Biyernes.

“This is what we will do to fast-track the flood victims’ needs such as rebuilding homes and giving of financial assistance,” sabi Cortes.

“Especially in the event that the Butuanon River will overflow because of water from the mountains,” dagdag niya.

Halos 467 pamilya ang lumikas at nagpalipas ng gabi sa evacuation centers nitong Huwebes.

Siyam na barangay ang binaha, kung saan mahigit sa 1,800 indibidwal ang apektado.

Nakatakdang magkasa ang city council ng emergency session ukol dito. RNT/SA