Manghuhula mula sa Australia, nakaaamoy ng kamatayan ng isang tao

Manghuhula mula sa Australia, nakaaamoy ng kamatayan ng isang tao

June 5, 2018 @ 4:40 PM 4 years ago


Australia- Isang manghuhula mula sa New South Wales, Australia na si Ari Kala, 24 taong gulang ang nagsabing may kakayahan siyang malaman kung ang isang tao ay mamamatay sa pamamagitan lamang ng pag-amoy.

Tinagurian niya ang kaniyang sarili bilang “psychic coach”. Ayon sa kaniya, nadiskubre niya raw ang kaniyang kakaibang kakayahan noong siya ay 12 taong gulang nang bisitahin niya ang may malubhang sakit na tiyo. Hindi niya raw malilimutan ang kakaibang amoy na nakapaligid sa bahay na tila mabigat sa pakiramdam. Inakala niyang amoy lang ito ng bangkay ng kaniyang tiyo ngunit laking gulat niya ng siya lang pala ang nakaaamoy nito. Simula noon, paulit-ulit na itong naamoy sa tuwing makakakita siya ng taong may malubhang sakit.

Dagdag pa niya, ang kaniyang kakayahan na maamoy ang kamatayan ng mga tao ay walang silbi lalo pa’t naamoy niya lamang ito kapag huli na ang lahat.

Dahil dito napagdisisyonan ni Ari na ‘wag masyadong pansinin ang kaniyang kakayahan at mag-focus na lamang sa pagtuturo sa mga kababaihang may psychic abilities para maging kapaki-pakinabang ito sa iba. (Remate News Team)