Mangingisda na top 4 most wanted sa Navotas, nalambat

Mangingisda na top 4 most wanted sa Navotas, nalambat

July 6, 2022 @ 9:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng pulisya ang isang mangingisda na listed bilang top 4 most wanted sa kasong murder sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Michael Delos Santos, 29 ng No. 92 Taganahan St., Brgy. Bagumbayan South, Navotas City.

Ayon kay Ollaging, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang impormante ang Warrant Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang akusado sa kanilang lugar kaya agad silang bumuo ng team.

Kasama ang mga tauhan ng Intelligence Section sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon at Sub-Station 3, agad ikinasa ng WSS ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Delos Santos.

Ani Pabon, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City para sa kasong Murder. Boysan Buenaventura