Mangingisda na wanted, nalambat sa Navotas

Mangingisda na wanted, nalambat sa Navotas

May 30, 2022 @ 12:19 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang mangingisda na wanted matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Navotas police ang naarestong akusado na kinilala bilang si Rodolfo Pangyarihan, 36 ng 1617 A Cruz St., Brgy. Tangos South ng lungsod.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon na naispatan ang akusado sa kanilang lugar na naging dahilan upang bumuo sila ng team para sa isasagawang operation.

Kasama ang mga tauhan ng Sub-Station 2 ng Navotas police, agad ikinasa ng mga tauhan mg WSS ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:10 ng hating gabi sa kanilang bahay.

Si Pangyarihan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Cecilia B. Parallag, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9, Family Court, Navotas City na may petsang April 25, 2022, para sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5 (B) ART. III of R.A. 7610. Boysan Buenaventura