Mangingisda nalunod, patay!

Mangingisda nalunod, patay!

July 14, 2018 @ 9:26 AM 4 years ago


Negros Occidental – Isang mangingisda ang iniulat na nasawi matapos malunod sa dagat bunga ng masamang panahon sa Negros Occidental.

Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub Station Sipalay, ang bangkay ng biktima ni Judy Garina, 62 taong gulang.

Ayon kay PCG spokesman commander Armand Balilo, unang nakitang palutang lutang ang labi ni Garina sa bahaging karagatang sakop ng Barangay 4, Sipalay City.

Bago ang isinagawang search and retrieval operation, isang impormasyon ang natanggap ng Coast Guard-Sipalay station mula  sa isang mangingisda rin sa lugar na nakilalang si Elmer Moranta na noo’y papangisda pa lamang at nadaanan ang bangkay ni Garina.

Lumalabas sa report na sa kabila ng masamang panahon ay pumalaot pa rin ang biktima para mangisda subalit hindi na ito nakabalik pa sa kanyang tahanan.

Muling nagpapaalala ang PCG sa mga bangkero at mangingisda na huwag na munang pumalaot kapag masama ang lagay ng panahon dahil sa nakaabang na panganib sa buhay at kaligtasan. (Jeff Gallos)