Mangingisda, patay sa tumaob na bangka

Mangingisda, patay sa tumaob na bangka

January 15, 2023 @ 4:02 PM 2 weeks ago


BATANES- Nagpalutang-lutang ng matagpuan ang bangkay ng isang mangingisda matapos tumaob ang sinasakyan nitong bangka dahil sa lakas ng alon sa karagatang sakop ng lalawigang ito.

Kinilala ang namatay na si Tito Eduardo Alueta, 50-anyos, residente ng Basco, Batanes.

Batay sa report ng Philippine Coast Guard-Batanes, dakong alas 7:00 AM noong Friday the 13th nang tumaob ang fishing boat na sinasakyan ng biktima kasama ang 8 iba pang mangingisda.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng PCG-Batanes katuwang ang M/B Ocean Spirit na malapit sa lugar upang magsagawa ng rescue operation natagpuan ang bangkay ng biktima na nagpalutang-lutang.

Sa pag-imbestiga ng mga awtoridad nakita ng sugat sa ulo ang biktima na posibleng tumama sa mga bato o matigas na bagay. Mary Anne Sapico