Mangingisdang nawala sa karagatan, nailigtas na

Mangingisdang nawala sa karagatan, nailigtas na

August 6, 2018 @ 1:58 PM 5 years ago


Iloilo – Matagumpay na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO)  at Bantay Dagat Ajuy ang nawawalang mangingisda noong Sabado.

Nailigtas si Vicente Baldonasa, dalawang milya ang layo mula sa isla ng Guinasan sa Ajuy, Iloilo sakay ng kanyang nasirang motorbanca.

Sa inisyal na ulat, nawala si Baldonasa noong Biyernes nang pauwi na sana ito nang hampasin ng malalakas na alon at hangin ang kanyang motorbanca dahilan para masira ang makina nito.

Sa ngayon ay masaya nang kasama ni Baldonasa ang kanyang pamilya. (Remate News Team)

PHOTO CREDITS: Department of Transportation – Philippines