Mangingisdang Pinoy ipagtatanggol sa WPS – DFA

Mangingisdang Pinoy ipagtatanggol sa WPS – DFA

October 12, 2022 @ 7:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na iingatan at susuportahan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa kanilang karapatan sa West Philippine Sea sa kabila ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryo ng bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes, Oktubre 11 sakop ng kanilang pangakong iingatan ang mga mangingisda ay ang dagat na pasok sa Philippine territorial waters at exclusive economic zone.

“This should be the priority over the interest of other coastal states or SCS claimants,” ani DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.

“The DFA stands to protest any action from foreign governments that threaten or deprive the rights of Filipinos to fish in our waters,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Daza, nakikipag-ugnayanna rin ang DFA sa maritime law enforcement agencies upang masiguro ang karapatan ng bansa sa ilalim ng Unclos maging ang batas na sakop ng bansa.

May karapatan din umano ang Pilipinas sa mga yamang-dagat na matatagpuan sa EEZ.

Matatandaan na noong Hulyo 12, 2016 ay pinaboran ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas nang ihayag nito na walang legal na basehan ang ipinipilit na nine-dash line national boundary ng China.

“These two cornerstones of international law are integral to Philippine foreign policy on the West Philippine Sea,” pagdidiin ni Daza.

“The Philippines stands by the fact that its fishermen are free to pursue the vast resources in and around the archipelago,” aniya. RNT/JGC