Broner umatras sa laban vs Figueroa

August 16, 2022 @2:14 PM
Views:
5
MANILA, Philippines – Umatras si dating four-division champion Adrien Broner ilang araw bago ang kanyang nalalapit na laban sa Agosto 21 (oras sa Pilipinas) kontra kay Omar Figueroa sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.
“Man I’m going thru a lot at this moment in my life but I ain’t [going to] give up. I set some more goals and I ain’t stopping until I finish what I started but sorry to say this but I’m not fighting [on August 20],” ani Broner sa kanyang Instagram.
Si Broner, 34-4-1 na may 24 knockouts bilang propesyonal na boksingero, ay huling lumaban noong Pebrero 2021 laban kay Jovanie Santiago kung saan siya ay nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision. Hindi idinetalye ng brash American ang dahilan ng kanyang pag-withdraw ngunit binanggit ang kanyang mental health.
“Sorry to all my fans but mental health is real and I’m not about to play inside the ring. I’ve watched a lot of people die playing with [their] boxing career and that is something I won’t do,” ani Broner.
Ang dating naka-iskedyul na showdown sa pagitan ng Broner at Figueroa ay itinakda para sa pangunahing kaganapan ng Showtime Championship Boxing. Sa kabila ng sorpresang anunsyo mula kay Broner, nagpasya ang Showtime na ituloy ang kaganapan nang wala ang orihinal na headliner nito.JC
LeBron, Curry, Tatum dumalo sa kasal ni Draymond Green

August 16, 2022 @2:02 PM
Views:
9
MANILA, Philipines – Ilang buwan matapos makuha ang kanyang ikaapat na NBA championship kasama ang Golden State Warriors, nagdagdag si Draymond Green ng isa pang singsing sa kanyang koleksyon.
Nitong katapusan ng linggo, ikinasal siya at ang aktres na si Hazel Renee sa Malibu na dinaluhan ng mga superstar sa NBA.
Dumalo si Stephen Curry, kasama ang dating kakampi at bagong forward ng Los Angeles Lakers na si Juan Toscano-Anderson.
Kabilang din sa panauhin sina LeBron James, Jayson Tatum at Seth Curry.
Ang Michigan State Spartans men’s basketball coach na si Tom Izzo, ang ahente ng sports na si Rich Paul at ang manlalaro ng golp na si Michelle Wie West, na ang asawang si Jonnie, ay direktor ng mga operasyon ng basketball ng Golden State, ay nakita din sa kaganapan.
Nag-pose si James para sa mga larawan kasama sina Green at Curry, at kalaunan ay itinuro na ang tatlo ay nagmamay-ari ng kabuuang isang dosenang singsing ng kampeonato.JC
Presensya ng CHR sa illegal drug raids oks sa DOJ

August 16, 2022 @1:52 PM
Views:
11
MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes na target nitong i-adopt ang transparency policy sa Commission on Human Rights (CHR) upang tiyakin na lahat ng illegal drug raids ay naisasagawa alinsunod sa batas.
Sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na tinatanggap ng ahensya ang panukalang inihain ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera para samahan ng CHR agents ang law enforcement officers sa pagsasagawa ng anti-illegal drug operations.
“It may be a good idea if CHR can ramp up their manpower. I am not sure if they have the resources to do that,” ani Clavano. “In any case, the Secretary (Jesus Crispin Remulla) has given his assurance that the DOJ will be transparent with the CHR.”
Nakasaad sa Section 21, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 pna ang mga nasabat na item sa drug operations ay dapat na agad na iimbentaryo at kunan ng larawan pagkakumpiska sa harap ng akusado o kinatawan o abogado ng akusado, isang elected official, kinatawan mula sa media, at kinatawan mula sa DOJ, “all of whom shall be required to sign the copies of the inventory and be given a copy of the same and the seized drugs must be turned over to a forensic laboratory within 24 hours from confiscation for examination.”
Sa ilalim ng House Bill 1011 ni Herrera, kinakailangang idokumento ng CHR agents sa police operations laban sa suspected drug traffickers ang mga aktibidad ng kapulisan para sa “mutual protection of the accused personalities and the police officers.”
Binanggit din ni Clavano na nakatakdang makipagpulong si Remulla kay Massachusetts Senator Edward Markey sa linggong ito upang talakayin ang tungkol sa human rights initiatives at mga programa ng bansa. RNT/SA
3 parak huli sa entrapment ops

August 16, 2022 @1:39 PM
Views:
8
MANILA, Philippines- Inaresto sa isang entrapment operation ang tatlong pulis sa Manila matapos na umano’y tumanggap ng pera kapalit ng isang impounded na motorsiklo sa loob ng Police Community Precinct (PCP) sa Paco, Manila Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga inaresto na sina PSSg Erwin Licuasen y Basilan, 34, ng BIk. ,7 Lot 22, unit 28B Pagrai Hills Mayamot Antipolo City; Corporal Chimber Rey Importa, 32 ng 2938 F. Manalo St., Punta Sta. Ana, Manila; at Pat Leopoldo Tuason y Nival, 39 ng 1231B, Mithi St., Tondo, Manila, pawang nakatalaga sa Paco Police Community Precinct (PCP)ng Manila Police District (MPD)-Station 5.
Sa ulat, dakong alas-10:35 ng gabi kamakalawa nang nagsagawa ng entrapment operation ang IMEG, Camp Crame sa loob ng Paco PCP sa Pedro Gil St., corner A Linao St., Paco, Manila hinggil sa isang na-impound na motorsiklo.
Nauna rito, pumasok sa loob ng nasabing PCP ang dalawang kalalakihan at kinausap si Licuasen hinggil sa umano’y na-impound na motorsiklo.
Matapos ang kanilang pag-uusap, nag-abot umano ng’ di batid na halaga kay Licuasen hudyat upang pumasok ang mga operatiba ng IMEG, Camp Crame at inaresto ang tatlo.
Dinala ang tatlo sa Camp Crame para sa imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Sangalang, Jalalon isinama sa Gilas.

August 16, 2022 @1:38 PM
Views:
14