Mangrove conservation bill umarangkada na sa Kamara

Mangrove conservation bill umarangkada na sa Kamara

July 9, 2021 @ 7:02 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Isang panukalang batas para sa pangangalaga at pagpaparami ng mangrove forests ang pasado na sa committe level sa  House of Representatives.

Ayon kay House Committee on Natural Resources chairman Cavite Representative Elpidio Barzaga lusot na ang substitute bill para sa House Bills1686, 5442 and 4052, o National Mangrove Forests Protection and Preservation Act.

Sa ilallim ng panukala ay mageestablisa ng reservation areas para lamang sa mangrove forests gayundin ang pagbuo ng National Council for the Preservation of Mangrove Forests na syang mangangsiwa para magkatoon ng comprehensive program para sa preservation, reforestation, afforestation, at sustainable development ng mangrove forests.

Sinabi ni Agusan del Norte Rep Lawrence Fortun na sa oras na masimulan ang programa ay magkakaron na productive ecosystems.

“Mangroves serve as effective disaster risk reduction tool that protects lands from inundation and erosion,” ani Fortun.

Ani Fortun ang Pilipinas ay isa sa 15 bansa sa mundo na mangrove-rich kung saan may 65 na species.

“The Philippines was home to an estimated mangrove forest cover of more than half-a-million hectares. But as early as year 2000, forest cover diminished by 250,000 hectares, an extremely alarming decline,” dagdag pa niya.

Simabi ni AMIN Party-list Rep Amihilda Sangcopan na sakop ng mamgrove forests ang lahat ng wetlands kabilang ang inland, coastal, marine, at man-made wetlands sa bansa.

“Our wetlands are the kidneys that regulate water and filter waste from the landscape as with the forests as the lungs of the Earth. It is but right that we take care of our environment the exact way it takes care of us,” pagtatapos pa ni Sangcopan. Gail Mendoza