90 active investment leads mula Chinese companies, mino-monitor ng BOI – PBBM

March 23, 2023 @7:40 PM
Views: 15
MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mino-monitor ng Board of Investments (BOI) ang 90 active investment leads mula Chinese companies ng iba’t ibang sektor kasunod ng kanyang state visit sa China noong Enero.
“I am pleased to share that as of February 2023, the BOI, the Board of Investments is monitoring 90 active investment leads from Chinese companies engaged in manufacturing, information technology, business process management, and renewable energy,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa idinaos na 33rd Biennial Convention ng Federation of the Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa Pasay City.
“May you all take hold of and maximize these prospects as you venture into your next endeavors for the benefit of our people and for our communities,” ang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal at miyembro ng FFCCCII.
Pinahalagahan ang naging partisipasyon ng FFCCCII sa kamakailan lamang na presidential visit sa China, tiniyak ni Pangulong Marcos sa Chinese-Filipino businessmen na ang usapin na nabanggit noong Setyembre sa courtesy call ay natugunan na ng kanyang administrasyon.
Upang makapanghikayat ng mas maraming investments sa energy sector, at tiyakin na sapat ang power supply at mababa ang electricity costs, sinabi ng Pangulo na inamiyendahan ng kanyang administrasyon ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Renewable Energy Act, nag-alis sa foreign ownership restrictions para sa ilang Renewable Energy (RE) generation projects sa Pilipinas.
Upang mas ma-streamline ang business permit at licensing processes, nagpalabas ang administrasyon ng Executive Order na naglalayong “constituting green lanes for strategic investments.”
“These are just some of the recent exciting opportunities, proving that the relationship between the government and the federation remains enduring and thriving in a highly globalized world,” ayon sa Pangulo sabay sabing bilang head of state, tungkulin niya na lumikha ng “enabling environment” para sa mga negosyo at gawing investment haven ang bansa.
“In return, I only ask that you continue to do what you do best: to remain industrious, innovative, and compassionate in improving the lives of our people through your business initiatives,” ang wika ng Pangulo.
Kinilala naman ng Pangulo ang papel ng FFCCCII bilang “catalyst for growth” mula ng magsimula ito noong 1954, binigyang diin ang inisyatiba para makaabot hangga’t maaari sa mas maraming komunidad bitbit ang Operation: Barrio Schools and Operation: Bakuna nito.
“We deeply appreciate your assistance in conducting medical missions and typhoon
and earthquake relief operations. As you conduct your biennial convention today, may you reaffirm your commitment to support the government in accelerating the country’s development efforts,” diing pahayag ni Pangulong Marcos.
Ang FFCCCII ay isang non-stock, non-profit corporation na binubuo ng 170 member chambers at trade associations sa iba’t ibang bahagi ng bansa, aktibong nauugnay sa “trading, manufacturing, service industry at iba pang economic activities.”
“The Federation’s four-day convention, attended by around 820 delegates including the country’s top Filipino-Chinese business leaders, has for its theme: “Unity for Development and Prosperity.” ayon sa ulat. Kris Jose
Comelec: Miyembro ng EB sa BSKE, makatatanggap ng mas mataas na honoraria

March 23, 2023 @7:30 PM
Views: 21
MANILA, Philippines- Makatatanggap ng mas mataas na honoraria ang poll worker na magsisilbing Electoral Boards (EBs) sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), inihayag ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, ang mga guro na magiging bahagi ng mga botohan sa Oktubre 2023 ay nakatakdang tumanggap ng minimum na P8,000 hanggang P10,000.
“We will make it PHP10,000; PHP9,000 and PHP8,000. We will match it to what teachers receive in automate elections,” ani Garcia sa press conference.
Ayon kay Garcia, gagawin itong epektibo sa Barangay at SK elections.
Pero sinabi ni Garcia na hindi exempted sa Value Added Tax (VAT) deduction ang pagbabayad para sa mga guro dahil sasailalim pa rin sa 20 percent VAT ang honoraria ng mga guro.
Mas mataas ang bagong bayad kaysa sa natanggap ng mga guro sa nakaraang BSKE, na nasa P6,000, P5,000, at P4,000.
Sa botohan noong May 2022, mahigit 75,000 guro ang nagsilbi bilang Electoral Boards.
Ang EB ay binubuo ng isang tagapangulo, dalawang miyembro, Department of Education Supervisor Official (DESO) at support staff. Jocelyn Tabangcura-Domenden
SOGIE bawal ituro sa public schools sa Florida, US

March 23, 2023 @7:22 PM
Views: 22
MANILA, Philippines- Tuluyan nang ipagbabawal ang pagtuturo sa lahat ng public school ang anumang may kinalaman sa SOGIE o sexual orientation and gender identity expression sa estado ng California, United States.
Sa ngayon, mula Kindergarten hanggang Grade 3 pa lang ito ipinagbabawal subalit sa mga darating na araw, maging sa buong K to 12 na.
Ito’y makaraang ipanukala ng Florida Department of Education sa State Board of Education ang pagbabawal ng SOGIE nang buo.
Hindi na umano kailangan pang idaan ang panukala sa kamay ng mga mambabatas sa nasabing estado at dedesisyunan na ito ng State Board sa Abril 17.
Nauna rito, inaprubahan ang pagbabawal ng SOGIE sa mababang antas ng mga eskwelahang pampubliko ni Republican Florida Governor Ron DeSantis noong nakaraang taon.
Ipinaalam na ito sa mga magulang ng mga bata ang nasabing batas at ang panuklang magpapalawak nito sa buong sistema ng edukasyon, ayon kay DeSantis spokesperson Bryan Griffin.
Walang dahilan para ituro ito sa mga eskwela at dapat nang buong itigil ito, dagdag niya.
Kung gusto ng iba na ituro o pag-usapan ito, sa labas na lamang umano ng eskwela.
Binatikos naman ito ng mga nagtataguyod ng Lesbian, Gay, Bisexual, Trasgender and Queer at kasama nila si White House spokesman Karine Jean-Pierre na isang Democrat nagsabing maling-mali ang panukala.
Kasama ang Florida ng Alabama, Louisiana, Arizona, Mississippi, Oklahoma, South Carolina, Texas, Utah at North Carolina na nagbabawal sa mga pampublikong eskwela na isama sa aralin ng mga bata ang SOGIE. RNT
16 pugante nalambat ng CIDG

March 23, 2023 @7:20 PM
Views: 31
MANILA, Philippines- Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) personnel ang 16 wanted na indibidwal sa two-day simultaneous anti-criminality campaign.
Sinabi ni CIDG chief Brig. Gen. Romeo Caramat na sa ilalim ng flagship project ng grupo, ang kampanya laban sa wanted persons o Oplan Pagtugis, nagsagawa ng 16 pursuit operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 16 wanted persons (WPs)– lima na nakalista sa regional; dalawa sa ilalim ng provincial; isa sa municipal level, at walo pang wanted persons.
Nagsagawa ang grupo ng 31 operasyon, kung saan nalambat ang 39 suspek sa simultaneous anti-criminality campaigns noong March 18 at 19.
Inihayag ni Caramat na sa kampanya laban sa loose firearms sa ilalim ng Oplan Paglalansag Omega, naaresto ng CIDG ang isang suspek sa police operation at nasamsam ang apat na firearms.
Nagresulta ang Oplan Bolilyo o kampanya laban sa illegal gambling sa pagkakaaresto sa 11 indibidwal aat pagkakasabat ng bet money na nagkakahalaga ng P6,810 sa apat na operasyon.
Ayon kay Caramat, nagresulta naman ang Oplan Kalikasan sa pagkakaaresto ng 11 indibidwal, habang 23 minors ang nasagip sa kampanya laban sa law enforcement activities.
“(The) CIDG is relentless in the implementation of its flagship programs to put an end on all illegal activities and hold criminals accountable. Makakaasa kayo na kami ay patuloy na kikilos at tutugon sa anumang paraan upang mapanatili ang ligtas at payapang komunidad,” aniya. RNT/SA
PAGASA nag-isyu ng El Niño Watch

March 23, 2023 @7:10 PM
Views: 38