Manila Bay rehab nanganganib mabigo sa pagsulpot ng informal settlers

Manila Bay rehab nanganganib mabigo sa pagsulpot ng informal settlers

October 27, 2022 @ 7:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tila nanganganib na mabigo ang pagsisikap ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maisulong ang Manila Bay rehabilitation dahil sa pagsulputan umano ng ilang mga informal settlers na naninirahan sa mga estero at creek sa Kamaynilaan.

Ito ang nabatid matapos tila pansamantalang maudlot ang programa ng pamahalaan para sa paglilinis ng mga ilog at creek mula sa informal settlers upang maibalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.

Ayon sa ulat isang halimbawa nito’y ang umano’y pagsulputan na ilang informal settlers dyan sa creek ng Estero de Tripa De Gallina sa Singalong Manila ang itinuturing na longest creek sa Manila.

Sinabi sa ulat bukod umano sa ilang informal settlers dyan sa Eetero de Tripa De Gallina sa kahabaan ng Singalong Manila na nasasakupan ng limang barangay ng Malate Manila kabilang na ang Brgy. 733 may ilang kabahayan din ang umano’y binakuran na rin ang deadend ng kanilang kalye halimbawa nito’y dyan sa Rosa Mayo Street sa Brgy. 733 Malate Manila na binakuran ng gate ang kalye upang sa kanilang personal na interes.

Nabatid pa sa ulat na sinarhan ang dead-end ng kalye ng Rosa Mayo Street na patungo sana sa creek ng Estero de Tripa De Galina at nilagyan ng gate na tila binakuran ng isang residente sa lugar.

Samantala kaugnay nito sa isang interview sinabi ni Barangay Captain Noel “Jigs” Raga ng Brgy. 733 ng Maynila, malaking bagay na mairerelocate ng pamahalaan ang mga informal settlers sa kabahaan ng estero upang tuluyang malinis ang itinuturing na Estero de Tripa De Gallina.

“Kailangan lang talaga magkaroon ng political will upang malinis ang Estero de Tripa De Gallina sa mga informal settlers,” ayon pa kay Brgy. Capt. Raga.

Ayon pa kay Raga humigit-kumulang aabot sa 100 pamilya ang naninirahan na informal settlers sa naturang estero (Estero de Tripa De Gallina) sa kanila lamang lugar.

“Noong panahon pa ni dating DENR Sec. Gina Lopez may mga programa na isinasagawa para sa sensus at ang umano’y sana’y paglilipat ng pamahalaan para sa informal settlers sa kanilang lugar subalit noong nawala si Sec. Lopez tila hindi na natuloy,” sabi pa ni Raga.

Ang paglilinis sa Estero de Tripa De Gallina at iba pang creek at estero ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan upang ibalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay kasunod ng Writ of Continuing Mandamus ng Korte Suprema. Santi Celario