‘Manila boy’ na wanted sa frustrated murder tiklo sa Bulacan

‘Manila boy’ na wanted sa frustrated murder tiklo sa Bulacan

January 21, 2022 @ 2:26 PM 8 months ago


Bulacan- Arestado ang isang 28-anyos na binatang wanted matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM), nitong Huwebes.

Kinilala ang akusado na si Japril Peñaflor, walang trabaho, tubong-Maynila at kasalukuyang residente ng Brgy. Sto Cristo, SJDM.

Sa ulat ng pulisya, inaresto ng mga awtoridad ang akusado bandang alas-4:40 sa Brgy.Sto Cristo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Maria Maruja Narvaiza-Mendoza ng RTC branch 82, Malolos noong Hulyo 29, 2021 sa kasong frustrated murder at may inirekomendang piyansa na P200,000.

Nalamang humihimas na ng rehas ang naarestong wanted sa naturang istasyon. Dick Mirasol III