Manila cathedral bukas na sa Mahal na Araw

Manila cathedral bukas na sa Mahal na Araw

March 14, 2023 @ 5:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binuksan na ng Manila Cathedral ang kanilang pinto para sa mga mananampalataya ngayong Semana Santa.

Sa kanilang social media post ngayong Martes, iniimbitahan ng Minor basilica of the immaculate Conception ang publiko na bumisita sa cathedral ngayong Lenten season.

“Welcome home, Pilgrims! As Pilgrimages begin, we welcome all of you to the Manila Cathedral, the Mother Church of our country. We hope that your visit to our Cathedral will truly be a spiritual experience to prepare ourselves for the worthy celebration of the Paschal Mystery of our Lord,” ayon sa post

Dagdag pa ng Manila Cathedral, naghanda sila ng iba pang religious activities na may kinalaman sa aktibidad.

“You can venerate the Relic of the True Cross of our Lord Jesus Christ which we will expose to the public for the Lenten season,”

“You can pray the Stations of the Cross around the Cathedral. We have opened the Adoration Chapel of the Cathedral for quiet personal prayer,”

Para sa mga gustong magkumpisal, ang Sakramento ng Kumpisal ay magagamit mula Lunes hanggang Sabado ,10 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

Hinikayat din nito ang mga tao na magsindi ng votive candles sa harap ng imahe ng Immaculate Mother , ang principal patroness ng Manila Cathedral at ng buong PIlipinas.

Nagsimula ang pagdaraos ng 40-araw na Kuwaresma noong Ash Wednesday noong Pebrero 22 at magtatapos sa Abril 9 (Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay).

Para sa taong ito, ang Semana Santa ay mula Abril 2 (Linggo ng Palaspas) hanggang Abril 9. Jocelyn Tabangcura-Domenden