Manila, Philippines – Nakiisa ngayong hapon ang mga empleyado ng Manila City Hall sa isinagawang Metro Manila Shake Drill.
Ganap na ala 1 ng hapon ng ibigay ang hudyat ng pagsisimual ng 4th Metro Manila Shaje Drill.
Sa pagtunog ng serena naglabasan na ang mga empleyado ng MCH na naka Duck, Cover and Hold sa kanilang mga ulo.
Ito ay upang maging handa at ligtas sa posibleng sakuna partikular na ang The Big One.
May mga senaryo ding may mga rescuers at sugatan na kailangang lapatan ng first aide. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)