Manila Fire District, Pure Force and Rescue Corp. sanib-pwersa na!

Manila Fire District, Pure Force and Rescue Corp. sanib-pwersa na!

June 2, 2022 @ 2:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagsanib-pwersa na ang Manila Fire  District (MFD)  sa pakikipagtulungan nito sa Pure Force and Rescue Corporation.

Ito ay matapos na lumagda ng isang memorandum of agreement na naglalayong palakasin at pabilisin ang  responde ng Manila fire.

Sa nasabing MOA, magagamit na ng MFD ang pure force citizens app na inaasahang mapapaiksi ang response time ng mga responders at mas magiging madali ang usapan sa pagitan ng responders at ng concerned stakeholders.

Magbibigay din ang pureforce ng mga kinakailangan network at software para sa training ng mga MFD personnel na tatao sa nasabing operation.

Ang nasabing kasunduan o pagsasanib puwersa ay naisakatuparan  ng dalawang orgnasisayon dahil kina MFD Chief, SSUPT Crosbee Gumowang at Pure Force President and Chief-Executive Officer  Jo Soliman. Jocelyn Tabangcura-Domenden