Manila Health nakapagturok na ng higit 40K COVID-19 booster shot

Manila Health nakapagturok na ng higit 40K COVID-19 booster shot

July 12, 2022 @ 1:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagbigay na ng higit 40,000 dosis ng COVID-19 vaccine ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa second booster hanggang nitong Lunes.

Ang COVID-19 second booster shot ay inaalok sa mga health care worker, senior citizen, at immunocompromised na mga nasa hustong gulang.

Noong Lunes ng hapon, umabot sa kabuuang 42,181 ang nakatanggap na ng pangalawang booster shot habang 637,817 ang unang booster dose, na pinapayagan para sa mga may edad na hindi bababa sa 12 taon at limang buwan pagkatapos makumpleto ang mga pangunahing dosis.

Sa kabuuan, 3,4812,339 na dosis ng bakuna ang naibigay ng Manila Health Department.

Sa nasabing bilang, 1,722,046 ang ganap na nabakunahan.

Samantala, muling hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna ng kanilang primary series at tanggapin ang kanilang booster dose upang madagdagan ng kanilang proteksyon laban sa virus at maiwasan na rin ang pagkalat at pagtaas pa ng mga kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden