Manila, Jakarta pumirma sa border treaty

Manila, Jakarta pumirma sa border treaty

October 9, 2022 @ 11:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumirma ng kasunduan ang pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia upang maibsan ang tensyon sa territorial dispute at pagpapaigting ng border treaty.

Ito ay makaraan pirmahan ng dalawang bansa ang principles at guidelines para sa limitasyon ng kani-kanilang continent shelf boundary ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The signing of the principles and guidelines marked an important step for the continental shelf boundary delimitation of the two countries as it reaffirms the provisions under United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos) 1982 as the basis of the delimitation process,” sinabi ng DFA sa isang pahayag.

Nitong Miyerkules, Oktubre 5 ay mismong sina Assistant Foreign Secretary Maria Angela Ponce ng Pilipinas at Ambassador Andreano Erwin ng Indonesia ang pumirma sa panuntunan ng 2019 border treaty.

Kabilang sa isyung dapat na pagkasunduan ng dalawang nabanggit na bansa ay ang overlapping Exclusive Economic Zone na tumatawid mula Mindanao Sea patungong Celebes Sea at ang timog na bahagi ng Philippine Sea sa Karagatan Pasipiko.

Ayon naman sa DFA, ang panuntunan sa 2019 border treaty ay isa sa mga napag-usapan nang dumalaw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at makaharap si Indonesian President Joko Widodo sa Jakarta, Indonesia noong nakaraan buwan. RNT/JGC