Manila judge sinuspinde ng SC sa ‘homophobic remarks’

Manila judge sinuspinde ng SC sa ‘homophobic remarks’

July 7, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Supreme Court (SC) nitong Huwebes ang isang Manila judge sa loob ng 30 araw matapos maghayag ng “homophobic slurs” laban sa dalawa sa kanyang litigants sa korte.

Sa 18-page decision ni Justice Alfredo Benjamin Caguioa, sinususpinde sa loob ng 30 araw si Manila Metropolitan Trial Court Branch 26 Presiding Judge Jorge Emmanuel Lorredo dahil sa kanyang “improper remarks,” at pinagmumulta ng P50,000 para sa sexual harassment, simple misconduct, at conduct unbecoming ng isang judge.

Naghain sina Marcelino Espejon at Erickson Cabonita noong 2019 ng reklamo laban kay Lorredo sa pagpapakita ng “bias and partiality” laban sa kanila at kanilang their sexual orientation sa isang preliminary conference, sa pagtatanong nito sa kanila ukol sa homosexuals at pagtawag sa homosekswalidad bilang “kasalanan”.

“Pagka-bading, tomboy, lesbian, ayaw ng Diyos yun… So pag meron kang lesbian relationship, paparusahan yung anak mo. Dengvaxia di ba? [Kayo din] kasi may kasalanan kayo sa Diyos eh,” sabi ng SC ayon kay Lorredo.

“The Court rules that such remarks constitute homophobic slurs, ‘which have no place in our courts of law.’ Thus, for issuing the inappropriate statements, respondent judge violated the New Code of Judicial Conduct, which imposes on judges the duty to ensure equal treatment of all before the courts and to understand diversity arising from race, sex religion, age, sexual orientation, and social and economic status, among others,” pahayag ng Supreme Court.

Ayon pa sa SC, ang pahayag nu Lorredo ay labag sa resolusyon ng Civil Service Commission, na tumutukoy sa sexual harassment bilang “acts that might be reasonably expected to cause discrimination, insecurity, discomfort, offense, or humiliation.”

Napag-alaman din ng Korte Suprema na umamin ang suspendidong judge na ang desisyon sa 101 kaso na nahawakan niya ay batay sa Bibliya, at hinayaan ang kanyang religious beliefs na makaimpluwensya sa kanyang judicial functions.

“As this gave the litigants the impression that the respondent with partiality, the Court held that respondent judge failed to fulfill his duty to not only act with impartiality but to appear impartial at all times,” dagdag ng SC. RNT/SA