Manila LGU humakot ng pagkilala sa CMCI

Manila LGU humakot ng pagkilala sa CMCI

October 21, 2022 @ 6:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ginawaran ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ginanap na 2022 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Huwebes ng gabi, Oktubre 20 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Naigawad din sa kapitolyo ng bansa ang apat mula sa limang haligi ng CMCI, kabilang na rito ang imprastraktura, Innovation at Intellectual Property Filers Cities, Economic Dynamism, at Competitive Resiliency.

Nagsilbing kinatawan ng Lungsod ng Maynila sina Vice Mayor na umaakto bilang pansamantalang alkalde John Marvin “Yul Servo” Nieto at Assistant City Administrator Arch. Joy Asuncion-Dawis sa naturang okasyon na pinangasiwaan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Nabatid kay Manila City Public Information Office (PIO) chief Atty. Princess Abante, pinapurihan ang Lungsod ng Maynila bilang Most Competitive Highly Urbanized City sa haligi ng imprastraktura.

Kinilala rin ang lungsod bilang pangalawa sa haligi ng pinaka-competitive in Innovation na bagong kategorya sa patimpalak na ini-anunsiyo ng CMCI nang igawad ang parangal ngayong taon.

Pang-apat at pang-lima rin ang Lungsod ng Maynila sa haligi naman ng Economic Dynamism at Resiliency batay sa pagkakasunod. JAY Reyes