Manila LGU magtuturok ng booster shots sa vendors, pahinante, drayber, riders

Manila LGU magtuturok ng booster shots sa vendors, pahinante, drayber, riders

January 5, 2022 @ 2:05 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Bilang pagbibigay-halaga ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga vendor, manggagawa, drayber, at mga rider ay magsasagawa sila ng “booster shot vaccination” upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon kontra sa sakit na coronavirus disease (COVID-19).

Nabatid kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, simula mamayang alas-8 ng gabi (Dis. 5) ay magsasagawa ng booster shot night vaccination ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga mag-gugulay, magkakarne, mag-iisda, driver, pahinante, at kargador sa Divisoria.

Aniya, gagawin ang nasabing bakunahan sa kanto ng Juan Luna St. at CM Recto Ave.

Samantala, naglaan naman ang lokal na pamahalaang lungsod ng “drive-thru vaccination site” sa Kartilya ng Katipunan na nasa tabi lamang ng Manila City Hall para naman sa mga delivery workers (2 wheels) tulad ng Grab, Angkas, Lalamove, Shopee, Mr. Speedy, FoodPanda, Lazada, at kahalintulad ng mga ito.

Gaganapin ang nasabing drive-thru vaccination bukas (Dis. 6) simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. JAY Reyes