Manila North at South Cemeteries, tinutukan pa rin ng MPD sa All Soul’s Day

Manila North at South Cemeteries, tinutukan pa rin ng MPD sa All Soul’s Day

November 2, 2022 @ 5:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Mahigpit pa rin ang ginagawang pagbabantay ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa Manila North at South Cemetery bagama’t hindi na kasingdami kahapon, Nobyembre 1 ang mga dumagsa sa sementeryo.

Ito’y upang masiguro na ligtas at mapayapa pa rin ang pagpunta ng mga nais bumisita ngayong All Souls Day.

Tulad pa rin ng inilatag na patakaran , bawal pa rin ang mga bata na walang vaccination card gayundin ang mga ipinagbabawal na gamit kabilang rito ang ligther, pabango, flammable materials, sigarilyo, vape, maiingay na sound systemt at matutilis na bagay.

Bagama’t kakaunti ngayon ang nagtutungo sa sementeryo pero patuloy pa rin ang pagpasok ng mga tao.

Nagpapatuloy pa rin ang ipinapatupad na libreng sakay sa Manila North Cemetery kung saan bukas ito para sa lahat ng mga bibisita rito.

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahakot ng basura ng mga tauhan ng Manila Department of Public Service.

Sa kasalukuyan, nasa 131 na indibdwal ang nagtungo na dito sa Manila North Cemetery ngayong araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden