Manila North Cemetery bukas sa Undas

Manila North Cemetery bukas sa Undas

October 14, 2022 @ 7:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong pandemya, bubuksan ang Manila North Cemetery sa mga bibisita sa Undas.

Ayon sa abiso, mananatiling bukas sa publiko ang nasabing sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Kailangan lamang na ang mga dadalaw ay nabakunahan na kontra COVID-19 samantala ang mga bata edad 12-taong gulang pababa ay bawal pa rin pumasok.

“Sa datos ng Department of Health [DOH] pati na ng vaccine namin, sila po yung pinakamababa ang rate na mababa ang bilang ng nagpabakuna. Syempre hindi naman po natin mao-observe talaga yung physical distancing natin dito, kahit open-air po tayo ay magsuot pa rin po tayo ng face masks,” ani Roselle Castaneda, director ng Manila North Cemetery.

Matatandaan sarado ang naturang sementeryo kasama ang iba pang sementeryo sa bansa tuwing Undas noong 2020 at 2021 bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Sa kabila nito, mananatiling bawal ang pagpasok ng mga alak, patalim at armas sa loob ng sementeryo. RNT/JGC