Manila North Cemetery lalong daragsain sa Undas – pamunuan

Manila North Cemetery lalong daragsain sa Undas – pamunuan

October 30, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dahil sa pagsasara nitong Sabado at Linggo sa Manila North Cemetery (MNC) dahil sa bagyong Paeng, inaasahan na lalo pang dadagsain ng mga bibisita ang sementeryo sa Nobyembre 1 at 2 .

Tantya ni MNC Director Roselle Castañeda katulad ito ng dami ng bumisita noong 2019 na umabot sa 1 milyon.

Pero dahil marami ang hindi nakapunta at hindi pinapasok nitong Sabado at Linggo dahil sa bagyong Paeng ay inaasahan namg dodoble pa at dadami ang bibisita sa mismong araw ng Undas kung tuloy-tuloy ang masamang panahon Hanggang Lunes.

“Handa pa rin naman po kami. Hindi man po sumama ang panahon, talagang mataas talaga ang expectation namin ngayong November 1 kaya nga po may mga pulis tayong naka-deploy dito,” ani Castañeda.

Ilang mga bumiyahe pa mula sa malalayong lugar ang nadismaya sa pagsasara ng MNC nitong Sabado at Linggo dahil pinagbawalan silang makapasok para sana maagang madalaw ang namayapang kaanak at hindi na makasabay pa sa pagdagsa ng mga tao sa Undas.

Karamihan ay walang alam sa naging anunsyo ng MNC habang ang iba naman ay inireklamo ang late announcement ng lokal na pamahalaang ng Maynila. Jocelyn Tabangcura-Domenden