Manila Water, pinagpapaliwanag vs water shortage

Manila Water, pinagpapaliwanag vs water shortage

March 26, 2019 @ 8:22 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Pormal nang pinadalhan ng notice ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water Company Inc. upang pagpalinawagin kung bakit hindi sila dapat managot sa naranasang water shortage ng kanilang mga kostumer sa east zone.

Binigyan lamang ng limang araw ang Manila Water upang magpaliwanag.

Sa oras na makapagpasa na ng report ang naturang concessionaire, magsasagawa ng evaluation ang MWSS base sa nakapaloob sa concession agreement.

“I’ve already signed the notice for them to explain bakit hindsi sila mape-penalize based on the terms and conditions of the concession agreement,” ani Patrick Ty, MWSS chief regulator.

Kailangan din umanong pag-aralan ng MWSS sa posibleng rebate o refund para sa mga naapektohang kostumer ng Manila Water, ani Ty.

Noong Lunes din, ilang indibidwal na pinangunahan ni Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes ang nagsampa ng reklamo sa MWSS.

Hinihiling nila sa Manila Water na suspindehin ang singil sa tubig ng mga kostumer na naapektohan ng water shortage.

Nais din nilang pagmultahin ang Manila Water dahil sa kabiguan nitong magbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo sa tubig.

Ani Reyes, “Unfair sa consumers na wala na ngang matinong serbisyo, pinagtitibay pa at pinapayagan pang singilin ang rate hike.”

Naapektohan sa water shortage ang nasa 1.2 milyong kabahayan sa east zone ng Metro Manila na siniserbisyuhan ng Manila Water.

Hanggang ngayon, mayroon pa ring ilang residente ang umaalma na nawawalan pa rin sila ng tubig./Remate News Team