Manila Water, pwedeng kasuhan sa water shortage – Guevarra

Manila Water, pwedeng kasuhan sa water shortage – Guevarra

March 15, 2019 @ 11:09 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Puwedeng sampahan ng civil case ng mga consumer at negosyante na apektado ng water interruptions ang Ayala-owned Manila Water, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Huwebes.

“If there is showing of fault or negligence on the part of Manila Water and if it is established that this crisis is caused not by natural causes of force majeure (unforeseeable circumstance), then affected consumers may file damage suits individually,” sabi ni Guevarra.

Binigyang diin naman ni Guevarra na kailangan magkaroon ng matibay na ebidensiya sa kakulangan bago makapagsampa ng civil complaint.

 “There must be evidence of this fault or negligence before one can file a civil complaint. This evidence must then be presented to the court during the trial,” paliwanag ni Guevarra.

Simula pa noong weekend, libu-libong mga residente ang nawalan ng suplay ng tubig na isinisisi naman ng Manila Water sa mababang lebel ng tubig sa La Mesa Dam at delay ng kanilang infrastructure projects.

Ayon kay Bayan Muna Chair at senatorial candidate Neri Colmenares nitong Huwebes, kinukonsidera na ng kaniyang grupo na magsampa ng class suit laban sa Manila Water dahil sa water shortage na kasalukuyang nakaapekto sa ilang parte ng silangang bahagi ng Metro Manila.

Ang Manila Water ang nagsusuplay ng tubig sa silangang bahagi ng National Capital Region habang ang Maynilad naman ang nagsusuplay sa kanlurang bahagi, hindi nakararanas ng kaparehong kakulangan./Remate News Team