Manila Zoo mas pagagandahin pa sa Singapore Zoo

Manila Zoo mas pagagandahin pa sa Singapore Zoo

July 25, 2020 @ 2:38 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah ”Honey” Lacuna-Pangan ang “groundbreaking ceremony” para sa pagsasaayos at pagpapaganda ng nasabing zoo kasabay ng ika-61 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Ayon kay Domagoso, nais nito na ang “Bagong Manila Zoo” ay ang pinakamagandang zoo sa buong Asya.

“Manila Zoo will be the best zoo in Asia, lalabanan natin ang Singapore. We will compete with them, cause we are the first,” ani Domagoso.

Sinabi naman ni Lacuna-Pangan na ang naturang proyekto ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang magtutuldok sa haka-haka o tsismis na kumakalat noon na ibebenta na ito kasabay sa pagbebenta umano sa Arroceros Forest Park.

Kaugnay nito, inaasahan naman na matatapos ang pagpapaganda sa bagong Manila Zoo sa darating na taon kung saan sinabi ng alkalde na ituturing itong pinakamagandang Zoo, pinakamalinis na Zoo at “healthier” zoo na para sa mga hayop na nakatira rito.

 

Ang Manila Zoo na kilala bilang Manila Zoological and Botanical Garden ay may 5.5 hektarya ang lawak kung saan itinatag ito at binuksan sa publiko noong Hulyo 25, 1959.

Isa sa mga binabalik-balikan ng mga tao upang mabisita at makita ng personal sa Manila Zoo ay ang 47 taong gulang na elepante na kilalang si Maali.

Bukod kay Maali ay may ilang mga malulusog na hayop pa ang inaalagaan sa Manila Zoo tulad ng chimpanzee, ahas, buwaya, tigre, mga iba’t ibang klase ng ibon, atbp. Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...