Manila Zoo muling bubuksan sa Nob. 21

Manila Zoo muling bubuksan sa Nob. 21

November 12, 2022 @ 11:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilipat sa Nobyembre 21 ang muling pagbubukas ng Manila Zoo, ayon sa capital city mayor Honey Lacuña sa social media address niya nitong Biyernes.

Ipinaliwanag ni Lacuna na ito ay upang bigyang-daan ang mga paghahanda.

“Because of the request of stall owners so they could prepare better for the reopening of Manila Zoo, we will postpone the reopening of Manila Zoo from November 15 to November 21,” ani Lacuna.

Aarangkada ang operasyon ng Manila Zoo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi, na may cut off sa pagpasok ng mga bisita pagsapit ng alas-6 ng hapon.

Narito ang admission fees:

  • Adult at mga bata: ₱150 para sa mga taga-Manila at ₱300 para sa non-residents

  • Estudyante: ₱100 para sa Manilans at ₱200 para sa non residents

  • Senior Citizens at PWD – 20 porsyentong discount sa prescribed fees

  • Libre ang mga edad 2 pababa.

Bubuksan ang online registration at pagbili ng mga ticket mula Nobyembre 20, 2022 sa manilazoo.ph.

Itinatag ang zoo noong Hulyo 1959 at sinimulan naman ang ₱1.74 billion-worth rehabilitation ng five-hectare property noong termino ni dating mayor Isko Moreno. RNT/SA