Manipulasyon sa presyo ng karne, posible – Sinag

Manipulasyon sa presyo ng karne, posible – Sinag

September 25, 2022 @ 12:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inakusahan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ang mga hog traders na nasa likod ng pagmamanipula ng presyo ng mga karneng baboy.

Sa isang panayam, sinabi ni Sinag President Rosendo So na kung kailan bumaba ang farmgate price sa karneng baboy, saka naman tumaas ang presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay So, bumaba sa P172 kada kilo ngayong Setyembre mula sa P175 kada kilo noong Agosto ang liveweight price ng baboy samantala ang retail price naman tumaas sa P270 hanggang P280 kada kilo.

“If we look at the liveweight price, it declined. From August of P175 per kilo of liveweight, as of September 15, it went down to P172, so the price of liveweight is not the problem, meaning the increase is in the retail price,” aniya.

Nanawagan rin ang grupo na tutukan ng Department of Agriculture ang biglang pagtaas sa presyo ng karne at alamin kung ano ang dahilan nito. RNT/JGC