Manlalarong LGBTQ+ sa Qatar World Cup takot mabitay

Manlalarong LGBTQ+ sa Qatar World Cup takot mabitay

November 12, 2022 @ 10:10 AM 3 weeks ago


LONDON – Hanggang ngayon, hindi pa rin makapagpasya ang ilang bansa kung sasali sila sa FIFA World Cup sa bansang Qatar dahil sa problema sa mga alanganin ang sex at relasyon.

Gayundin ang ibang mga ordinaryong mamamayan na gustong pumunta sa Qatar kaugnay ng nasabing pandaigdigang paliga sa football ngunit dala ang mga relasyong lesbian, gay, bisexual, transgender, queer.

Ang parusang bitay ay iginagawad sa mga nahuhuli at napatutunayang may mga may relasyong LGBTQ+ at ito ang pumipigil sa mga gustong sumali o pumunta sa nasabing bansa na kauna-unahang bansang Arabo na pagdarausan ng nasabing paliga.

Sa ngayon, nasa 32 pa lang na bansa ang kasali sa nasabing larong football mula sa mahigit 200 bansa at teritoryo sa buong mundo.

Gayunman, kasali na ang Japan at South Korea na nagmumula sa Asya at kasama rin ang United States.

Sa United Kingdom, hindi pa napagpapasiyahan ng pamahalaan dito kung magpapadala ito ng mga manlalaro dahil may mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer at iba pang alanganin ang kasarian na kasali sa delegasyon nito.

Nag-aalangan ang mga miyembro ng LGBTQ+ na pumunta sa Qatar dahil bawal ang kanilang relasyon at takot na mahuli at mabitay sa kabila ng pagtitiyak ng gobyernong Qatar na hindi nila paiiralin ang istriktong pagtrato sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Gaganapin ang palaro mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 18, 2022. RNT