Manlapas, Sanchez kuminang sa FESSAP Table Tennis event

Manlapas, Sanchez kuminang sa FESSAP Table Tennis event

July 13, 2022 @ 1:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasungkit nina Joshua Manlapas ng Makati-NETTO at J-am Sanchez ng Wadjad Tennis Tavolo ang minimithing slots para sa Philippine Team na isasabak sa  Jinjang World School Games matapos manaig sa boys and girls singles event sa katatapos na 2022 FESSAP National Interscholastic Table Tennis Championship sa Robinson Novalinches sa Quezon City.

Tinalo ni Manlapas si Morison Torres ng Paco Citizen Academy Foundation, 2-1, sa high school boys singles finals, habang tinalo ng 15-anyos na Sanchez si Shyrein Mae Redoquerio ng Adamson University, 2-0, sa girls finals ng event na nagsilbi bilang qualifying para sa PH table tennis team na nakatakdang maglaro sa World School Games na nakatakda sa Nobyembre sa China.

Bilang mga finalist, nakapasok din sina Torres at Redoquerio sa five-man National squad. Makakasama nila ang protegee na si Kheith Rhynne Cruz. Ang 14-anyos na Vietnam SEA Games veteran ay pre-qualified para sa koponan bilang No.1 women table netter ng bansa.

Sa high school team event nakipagtulungan si Cruz kay Jelaine Monteclaro upang  sandigan ang Paco Citizen Academy Foundation laban sa La Salle University-Star Power nina MJ Yamson, Zachi Chua at Janna Paculba.

Nakumpleto ng Paco na binubuo nina Brent Chavez at Torres ang sweep sa high school class nang pagbidahan ang boys team  laban kina Dominique Henze Lucero at Jebb Jerwin Datahan ng Wadjad Tennis Tavolo. Natapos na runner-up ang Makati-Netto (Jan Gabriel Presbitero, Matt Andrew Ramos, Ray Joshua at Lawrence Manlapaz) at One Pampanga/Bulacan (Sean Irvin Garcia, Reyan Yvess Reg).

Sa college men’s team event, tinalo ni TATAND-Joola nina Alexis Bolante, Rill Ramiro, at Francis Bendebel ang Baycliff na binubuo nina Pong Mercado, at Ruiz Arc Marcelino, habang ang Perpetual-Patto, sa pangunguna nina Nationals Keziah Bien Ablaza at Jannah Romero kasama si Rein Teodoro ay nanaig sa women’s side laban sa  Wadjad Tennis Tavolo nina Sherlyn Love Gabisay, at Emery Faith Digamon.

Nanaig naman ang tibay at lakas nina  dating national player at coach Julius Esposa kasama sina  George Quijano, Gregorio Pascua at Charlie para maiangat ang Triple Charles-Army kontra sa  ACE na binubuo nina Philip Uy, Peter Lam, Michael Dalumpines at Henry Ding  sa  Executive Veterans Team championship.

Ang All-Star Legend-Army (Aileen Armando, Susan Tayag, Anta Abas, Sendrina Balatbat) at Dobinson (Richmond Ong, Richard Koa, Rodel Valle at Jayson Jaquilmo) ay umangkin ng runner-up honors.JC