Manyak na binata, dinampot ng MPD

Manyak na binata, dinampot ng MPD

November 11, 2022 @ 2:43 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 19-anyos na binata na wanted sa station level ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Ang akusado ay nakilalang si Rick Hernandez y Advincula, binata, walang trabaho at residente sa Block II Lot I Tops Vill, Pulang Pula 2, Las Pinas City.

Ayon sa ulat ng Sta. Ana Police Station (MPD-PS6), nadakma si Hernandez sa nasabing lugar nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 9 ng mga tauhan ng Warrant Section and Follow-Up, MPD-PS 6 Intelligence Section sa pangunguna ni Chief P/Maj Geuel P. Capuz at sa tulong ng mga operatiba ng Las Pinas Police Station.

Ayon kay PS-6 Commander PLtCol Orlando A. Mirando Jr, isinilbi ang warrant ng akusado na insiyu ni Hon. Roy G. Gironella, Presiding Judge ng RTC Branch 43 sa lungsod ng Maynila sa kasong acts of lasciviousness.

Inirekomenda rin ng korte ang P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Kasalukuyang nakadetine ang aakusado sa Sta. Ana Police Station (MPD-PS6) Custodial facility habang hinihintay ang pagbalik ng kanyang arrest warrant sa korte at issuance ng kanyang commitment order. Jocelyn Tabangcura-Domenden