Manyak nagparaos sa harap ni “crush” kalaboso

Manyak nagparaos sa harap ni “crush” kalaboso

October 3, 2022 @ 3:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines -Sa karsel nagwakas ang pagpaparaos ng isang obrero sa harap ng kanyang matagal nang pinagpapantasyahang dilag, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Paglabag sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act ang haharapin ng manyakis na si Renato Gilbuena, 49 ng Cattleya St., Brgy. North Bay Boulevard South Proper, ng lungsod.

Ayon sa pulisya, pasado 6 ng gabi ay naglilinis ng bahay ang 24-anyos na si alyas “Cleopatra” nang mapunang gumagalaw ang kamay ni Gilbuena habang hawak ang ari nito sa loob ng suot na shorts ng suspek.

Noong una ay binalewala ng biktima ang kahalayan ng suspek ngunit nang muling madako ang tingin niya sa huli ay patuloy ito sa paglalaro ng kanyang ari habang nakatitig ng malagkit sa kanya.

Nagpadala ng mensahe sa message-sending app si Cleopatra sa kanyang pinsan, na nagsumbong sa nanay at tatay ng biktima na nakabulagang pinagpaparausan ni Gilbuena ang kanilang anak.

Dumulog ang ina’t ama ng biktima sa mga tanod at ipinadampot ang makamundong suspek na bumitbit sa presinto. Merly Iral