Manyakis kalaboso sa nanlabang ginang

Manyakis kalaboso sa nanlabang ginang

January 16, 2023 @ 7:43 PM 2 weeks ago


Bulacan – Arestado ang isang 28 anyos na binatang tinangkang halayin ang 23 anyos na ginang sa labas ng kanilang bahay sa bayan ng San Rafael.

Kinilala ang suspek sa alyas Long habang ang biktima ay itinago sa pangalang Jen, may-asawa, kapwa residente ng Brgy. Ulingao.

Sa report ng San Rafael police, nangyari ang insidente bandang 12:05 ng hating gabi nitong Enero 13, sa naturang lugar.

Ayon sa salaysay ng biktima sa pulisya, inaantay ng biktima ang kanyang asawa sa labas ng kanilang bahay.

Aniya, isang lalaki ang lumapit sa kanya nang biglang yakapin, pinaghahalikan at pinaghihipuan siya sa maseselang parte ng katawan niya.

Hindi nasiraan ng loob ang biktima na nagawang manlaban at puwersahang naitulak palayo ang manyakis na biglang nagtatakbo palayo sa lugar.

Dahil dito, agad humingi ng tulong ang biktima at ang dumating na mister sa mga tanod na nagsagawa ng follow up operation kaya nahuli ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness habang nakaukulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III