Mapangmaltrato, mapang-asar na bebot dinampot

Mapangmaltrato, mapang-asar na bebot dinampot

December 3, 2022 @ 10:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinuli ng Malabon Police ang isang umano’y mapangmaltrato at mapang-asar na babae sa bisa ng warrant of arrest.

Dinampot si Stephanie Santos y Montero, 21, dalaga, factory worker, ng 95 Kaunlaran St., Barangay Muzon, ng lungsod, iniulat ng pulisya nitong Sabado, Disyembre 3.

Kasong Unjust Vexation sa ilalim ng Article 7, paragraph 2 ng Revised Penal Code at Maltreatment ang haharaping kaso ng dinakip.

Si Hon. Catherine Therese M. Tagle-Salvador, Presiding Judge. Regional Trial Court Branch 73, Malabon City ang nag-isyu ng warrant laban kay Santos noong Nobyembre 18, kung saan P3,000 ang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. Merly Iral