Mapayapang SONA at si Guillor

Mapayapang SONA at si Guillor

July 31, 2018 @ 7:40 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kahanga-hanga at marami ang namangha sa hindi matatawaran na kakaibang teknik o estilo na ginawa ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Elea­zar para magkaroon ng “peaceful and orderly” na State of The Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aba kahit po ako ay nagulat sa nakita kong resulta ng rally ng mga militante at iba pang protester sa pangunguna ni Renato Reyes. Ipinakita nila ang kagalang-galang na pag-uugali ng mga protester.

First time in history sa pag­ra-rally na nanaig ang kredibi­lidad at respeto na iniukol nina Eleazar at Reyes sa isa’t isa para lang maging tahimik at mapayapa ang rally.

Siguro dahil sa magaling at masistematikong pamamaraan na inaplay ni Gen. Eleazar. Nakapa niya agad ang tibok ng  puso at damdamin ng mga mili­tante para maging mapayapa ang SONA.

Ang matindi sa teknik ni Gen. Eleazar ay ‘yung nag-viral sa social media na pagmi­miryenda nila ng leader ng mga militante na si Reyes sa isang turoturong karinderya at pinag-usapan ang pagsasa-ayos sa rally.

It’s so terrific! Ang nangyari dahil nakita ng grupo ni Reyes at iba pang mga militanteng grupo na may ‘palabra de ho­nor’ si Guillor. Walang dalang mga baril ang mga pulis na nakatalaga sa kapaligiran ng Batasang Pambansa.

Wala ring firetruck, malalaking container van na pang-block at pagtaboy sa mga raliyestang nagpupumilit na pumasok at makalapit mismo  sa Batasan.

Dahil sa ipinakita ni Eleazar na “man of dignity” sa grupo  nina Reyes, isinukli naman ng huli ang RESPETO sa kanya.

Bagama’t mapanganib at walang kasiguruhan ang estilo na ginawa ni Eleazar, na­mangha ang lahat, maging ang  mga superior ni Eleazar nang matagumpayan niya ang mala­kihang rally para maging mapayapa at maayos nang walang sakitang nangyari.

Saludo kami sa iyo, Gen. Guillermo Eleazar. Keep up the goodwork…soon you will be the PNP chief.

THE UNTOUCHBALE GAMBLING SA BAGUIO

Wala pa ring takot na nagpapasugal ng drop ball at co­lor game itong sina Oldak sa Otic Street, Baguio City sa tagiliran ng Rizal Monument  sa Baguio City at katabi lamang nito ang barangay hall ni Kap. Agustin pero hindi pinaaalis ang sugalan.

Sa ibaba naman ng Baguio City sa Magsaysay Road,  naroroon naman ang pwesto pijo ng pa-drop ball at color game ni alias Larry na binabantayan naman ni Aling Cora na kanyang tagabigay ng tara sa mga umoorbit na pulis sa nasabing pasugalan.

Inutil sina Mayor Mauricio Domogan at COP Supt. Ranil Seculles. Bakit kaya?

Anomang puna o reklamo i-text sa 091892747864,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]

– JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA