MARAMI NANG NAGAWA AT GAGAWA PA

MARAMI NANG NAGAWA AT GAGAWA PA

January 5, 2022 @ 4:49 PM 8 months ago


NITONG nakaraang linggo halos lahat ng balita ay tungkol sa mga mahahalagang pangyayari o nakagigimbal na kaganapan noong nakaraang taon. Kaya naman nag-ulat na rin ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict.

Sabi ng mga ‘cluster head’ ng task force, 822 barangay ang nabiyayaan ng Barangay Development Program para sa 2021, kung saan ang P20 milyon ay ginugol sa anomang nais ng kada-barangay sa ating mga kanayunan na pineste at nalinis na sa kamay ng mga komunistang-terorista, ang mga pumili kung ano ang dapat paggamitan ng pondo, gaya ng farm-to-market road, silid paaralan, patubig o pangkalusugan.

Sa pagpasok ng bagong taon 2022, may naka-linya pang 1,406 na mga barangay na bibigyan pa ng BDP, kaya nga lang eh natapyasan ng ating mga mambabatas ang budget na hiningi ng NTF-ELCAC para sa taon na ito.

Sabi ng mga cluster head, pagkakasyahin na lamang kung anomang halaga lang ang naaprubahan na budget ng ating magagaling na mambabatas, dahil sa dami nga ng nagawa para sa 2021 at naipangako na ang para sa 2022, umaasa ang 1,406 na mga barangay na sila rin ay mapagmamalasakitan ng pamahalaan, partikular na ang administrasyong Duterte na siyang nagtulak ng “whole-of-nation approach” para tapusin ang 53 taon nang pamemeste ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front.

Ayon kay Interior and Local Goverment Assistant Director Rene Valera, 74 sa 81 probinsiya ang nagdeklarang ‘persona non grata’ ang mga CPP-NPA-NDF sa kanilang mga lugar.

Kabilang dito ang 26,353 mga barangay, 1,436 na mga munisipalidad at 110 mga siyudad na naglabas ng mga resoluyon na naghahayag ng pagkakadismaya sa mga pinaggagawa ng mga komunistang-terorista.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!   (ITUTULOY)