Maraming miyembro ng PDP-Laban ‘di suportado ang pagtakbo ni Duterte bilang VP

Maraming miyembro ng PDP-Laban ‘di suportado ang pagtakbo ni Duterte bilang VP

July 13, 2021 @ 9:41 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Ayon sa isang opisyal ng PDP-Laban, maraming miyembro ng partido ang tutol sa pagtakbo ni Pangulong Duterte bilang bise-presidente sa 2022 elections.

Sinabi ni Rufina Pines Arcega, chair ng national education committee ng partido maaaring matanggal si Duterte sa PDP-Laban kung tatakbo ito bilang pangalawang pangulo.

Kamakailan, tatlong kaalyado ni Duterte ang inalis sa partido dahil sa paglabag sa panuntunan nito.

Iginiit pa ni Arcega na ang resolusyong humihimok kay Duterte na tumakbo sa susunod na eleksyon ay iligal dahil hindi otorisado ang pagpupulong kung saan ito binalangkas.

Matatandaang sinabi ni Duterte na siya ang nag-utos kay Cusi na magpatawag ng pagpupulong.

“Kung ganon ang kaniyang gagawin, ito rin ay matuturing paglabag ng Saligang Batas at maaaring pwedeng dahilang o, sabihin mo na, paghiwalay ng Pangulo sa partido,” sinabi nito sa ANC.

“Marami ang mga kasama natin at mga ka-partido na nagsasabing hindi na dapat tumakbo pang bise presidente ang Pangulong Duterte,” dagdag ni Arcega. RNT/ELM