Maraming Pinoy nagtitiwala kay Marcos – sarbey

Maraming Pinoy nagtitiwala kay Marcos – sarbey

October 8, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kitang-kita  na maraming mga Pilipino ang nagtitiwala kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.

Sa  2022 PAHAYAG Third Quarter Survey na ipinalabas ng PUBLiCUS Asia Inc., araw ng Biyernes, makikita sa September 16 hanggang 20 survey results na 62 porsiyento ng  1,500 respondents  ang nalulugod at pinapahalagahan ang work performance ni Pangulong Marcos habang 58 porsiyento naman ang nagsabi na nagtitiwala sila sa Pangulo.

Sa nasabi pa ring survey, natuklasan na 56 porsiyento ng mga Pilipino ang nakikita si Pangulong Marcos bilang isang  indibidwal na naninindigan sa batas.

Tinatayang 53 porsiyento naman ng mga  respondents  ang naniniwala na  si Pangulong Marcos ay  hindi umaabuso sa awtoridad at isang  “pro-poor”, habang  50 porsiyento naman ang nakikita si Pangulong Marcos bilang  isang  “responsible leader.”

Idagdag pa rito, mayroong 51 porsiyento naman ang kumbinsido na “malakas” ang kasalukuyang estado ng bansa.

Sinabi pa ng PUBLiCUS  na  71 porsiyento ng mga  respondents ang nagpahayag ng kumpiyansa na ang bansa ay patungo na sa  “tamang direksyon,” habang  65 porsiyento naman ang tiwala na mas lalo pang bubuti ang katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas sa fourth quarter ng 2022.

Sa nasabi pa ring survey,  mayroong 88 porsiyento ng mga respondents ang suportado ang paggamit ng renewable energy.

“Public approval was also high in terms of penalizing text spammers and scammers (87 percent), continuing the EDSA Carousel free bus rides (78 percent), providing assistance to the marginalized sector (77 percent), and banning sexual offenders from teaching (76 percent),” ayon sa PUBLiCUS.

“Seventy-two percent of the respondents showed appreciation for the implementation of hybrid work arrangements, while 71 percent expressed support for the full implementation of face-to-face classes in November,” sabi pa rin ng PUBLiCUS.

Sa pinakabagong poll ng PUBLiCUS’, makikita pa rin na ang mga  pinakamahalagang usapin na kailangang tugunan ni Pangulong Marcos ay ang  ekonomiya (23%), korapsyon (12%), kahirapan (11%), inflation (11%t), at job creation (10%). Kris Jose