Marawi LGU umapela sa landowners: Pagpapatira sa displaced residents, palawigin

Marawi LGU umapela sa landowners: Pagpapatira sa displaced residents, palawigin

October 17, 2022 @ 9:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakikipag-usap ang lokal na pamahalaan ng Marawi sa mga may-ari ng lupa kung saan kasalukuyang nananatili ang displaced residents sa gitna ng pangamba na kinakailangan na nilang magbayad ng upa.

Sinabi ni Marawi Mayor Majul Usman Gandamra na sinisuguro ng city government sa internally displaced persons (IDPs) na nananatili sa temporary shelters sa Sagonsongan sa Marawi City na gumagawa ng paraan ang lokal na pamahalaan upang mapalawig ang pagtigil nila nang hindi nagbabayad ng renta.

Ito ay sa nagbabadyang pagkapaso ng itinakdang termino para sa land use sa Sagonsongan, limang taon matapos itayo ang temporary shelters were built.

“We had a dialogue with the land owners. Itong lupain na ito kung saan pinatayo itong temporary shelters are owned by private individuals. Dahil ito ho may kontrata tayo with them, the local government of Marawi, the National Housing Authority entered into a contract with the landowners na hiramin natin for the duration of 5 years. But since hindi po totally nakakabalik ating mga kababayan, hiningi po natin sa kanila na palawigin pa po ang binigay nilang termino para doon sa sa pag-stay ng ating mga IDPs doon sa mga lugar,” paglalahad ni Gandamra.

“Some of them naiintindihan nila ‘yong needs ng IDPs na di pa nakakabalik sa ground zero. Mayroon din tayo na contingent actions in case hindi na mag-extend. Yung LGU Marawi mayroon na tayo iniisip so we can still accomodate ‘yong mga displaced constituents.”

“Umaapela tayo sa ating mga kababyan na may-ari ng mga lupa. Naiintindihan nila ang situation ng kanilang fellow Maranao.”

Ayon sa Task Force Bangon Marawi, 4,916 transitory shelters ang nananatiling okupado sa ilang bahagi ng Marawi.

Karamihan sa displaced residents ang hinihintay pa rin ang ipinangaking kompensasyon para sa nasira nilang tahanan sa kasagsagan ng Marawi siege. RNT/SA