Marawi rehab siguradong tapos na sa Disyembre – task force

Marawi rehab siguradong tapos na sa Disyembre – task force

June 7, 2021 @ 7:50 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nakikitaan na umano nang progresibong pag-unlad ang rehabilitation efforts sa Marawi City, partikular na sa tinaguriang “most devastated area.”

Ito ang tiniyak ni Padoman Paporo, lider ng Lanao del Sur People’s Council (LDSPC).

Si Paporo, lead convenor ng civil society organizations (CSOs) ay nagpahayag na ang pag-akto bilang third-party monitoring partners ng pamahalaan para sa Marawi rehabilitation, ay hagupit sa mga taong patuloy na gumagawa ng “public uproar against Marawi’s rebuilding process without offering any solution.”

“I would really affirm that the Marawi rehabilitation inside Ground Zero is so far so good. It’s a work in progress. I have seen much progress ever since the construction of key public facilities went on full blast in July last year,” ani Paporo.

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Paporo ang 56 implementing agencies ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) dahil sa patuloy na ginagawang rehabilitasyon sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ang mga tao aniya ay kailangan na may kamalayan sa pagsusulong ng infrastructure projects at iba pang recovery programs na itinutulak ng pamahalaan.

“I am urging CSOs, whenever you see good things in MAA (Most Affected Areas), say it, tell the truth. And those things you haven’t seen? Shut up, stop criticizing. Let us motivate the TFBM more so that together we can beat the timeline of December 2021,” ayon kay Paporo.

Tinukoy naman nito ang kamakailan lamang na ocular inspection sa mga lugar na itinuturing naman na “infamous 2017 siege”, sinabi ni Paporo na kumpiyansa ang LDSPC na ang internally displaced persons ay makababalik na sa kanilang mga bayan sa MAA sa darating na Disyembre ngayong taon, gaya nang ipinangako ng TFBM.

“So as you can see, there is indeed progress. We had witnessed this over the past months,” aniya pa rin.

Ani Paporo, ang konstruskyon ng modern infrastructures gaya ng road networks na mayroong underground facilities, solar lamps, at traffic lights, mall-like Grand Padian Market, mosques, School of Living Tradition ay siguradong makatutulong sa Maranaos na makabalik sa normal na pamumuhay at muling itayo ang kanilang nasirang buhay dahil sa hidwaan.

“With that, we would like to thank this administration led by President Rodrigo Roa Duterte, that at least, na-implement, ‘yung mga sinabi niya na . Marawi will rise again. It has started, nakita namin, nagkaroon kami ng  ray of hope na makabalik kami doon ,” anito.

Samantala, muli namang inulit ni TFBM Chair and Housing Secretary Eduardo del Rosario na ang task force ay “on track” sa pagkompleto ng lahat ng nagpapatuloy na infrastructure projects sa Disyembre at tatapusin ang rehabilitasyon sa loob ng termino ni Pangulong Duterte.

Ang TFBM ay nilikha ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hunyo 28, 2017, sa ilalim ng Administrative Order No. 3 upang matiyak ang “collaboration and convergence” sa hanay ng national agencies at local government units at matulungan ang mga displaced families na makarekober. Kris Jose