‘Marayum’ inilunsad vs ‘language barrier’

‘Marayum’ inilunsad vs ‘language barrier’

August 25, 2021 @ 12:38 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinakilala ng mga eksperto ang kanilang bagong gawang online web dictionary na tinawag na ‘Marayum’.

Ang ‘Marayum’ ay isa umanong online web dictionary platform na pwedeng magdagdag ng mga salita ang mga gumagamit nito base sa kung ano ang diyalekto o lenggwaheng gamit sa lugar nito.

“The project sought to produce an online language dictionary which can be modified by registered members of a specific community who mainly utilizes the language,” paliwanag ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development.

Nagtulong-tulong ang mga computer scientists at linguists sa pangunguna ni Mario Carreon, assistant professor mula sa Department of Computer Science – University of the Philippines Diliman.

Pinondohan naman ito ng DOST-PCIEERD.

Sa ngayon ay mayroon nang apat na diksyunaryong makikita sa ‘Marayum’, ang Asi-English, Kinaray-a, Cebuano at Hiligaynon dictionary.

Ang naturang proyekto ay bahagi umano ng kanilang suporta sa selebrasyon ng Buwan ng Wika.

Maaaring bisitahin ang naturang ‘dictionary-making tool’ platform sa kanilang website na https://marayum.ph

Sinisigurado naman ng grupo na tama ang mga ilalagay na impormasyon sa “Marayum”.


  •  
  •  
  •