Marburg virus, mababa ang tiyansang makapasok sa Pinas – DOH

Marburg virus, mababa ang tiyansang makapasok sa Pinas – DOH

July 20, 2022 @ 6:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Mababa ang panganib at posibilidad na makapasok sa bansa ang Marburg virus, sabi ni Health Officer-In-Charge  Maria Rosario Vergeire sa forum ng DOH ngayong Miyerkules.

Aniya, ang naturang sakit ay endemic o “native” sa ibang continents katulad sa  Africa.

Gayunman, iginiit ni Vergeire na dapat pa ring laging handa.

Sinabi ni Vergeire na mula nang makatanggap ng ulat ang DOH sa International Health Regulations Process ay naghahanda na ang Kagawaran.

Aniya nagbigay na rin ng impormasyon sa kanilang survellaince officers gayundin sa mga port of entries dahil kasama na ito sa mga binabantayan sakit.

Sinabi ni Vergeire na ang dalawang kaso ng naturang sakit  na halos kahalintulad ng Ebola ay natukoy sa Ghana kung saan walang gamot o bakuna para sa Marburg virus.

Kasama sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat gayundin ang panloob at external bleeding. .

“We give information to our surveillance offices and of course sa ating port of entries para kasama po ito sa mga binabatayang sakit dito sa ating bansa. ‘Yun pong probability na makapasok po ang ganitong sakit sa ‘ting bansa is still at low risk.”pahayag pa ni Vergeire.

Nauna na ring sinabi ni Dr. Rontgene Solante , infectious disease expert sa Laging Handa briefing na dapat ihanda ang mga healthcare facility ng bansa sakaling makapasok ang Marburg virus na isang malubhang nakakahawang sakit, gaya ng Ebola virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden